Ang Tanda ng Krus
TULIGSA: Ang tanda ng krus ng mga Katoliko ay ang
katuparan ng sinasabi sa Biblia na marka o tatak ng
halimaw o demonyo sa kanang kamay at noo ng
kanyang mga kampon.
**************************************************
SAGOT: Tungkol sa tanda ng krus nating mga Katoliko
ay ganito ang opisyal na turo ng Iglesia Katolika:
Catechism of the Catholic Church #1235,
“The sign of the cross, on the threshold of the
celebration, marks with the imprint of Christ
the one who is going to belong to him and
signifies the grace of the redemption Christ
won for us by his cross.”
Catechism of the Catholic Church #2157,
“The Christian begins his day, his prayers,
and his activities with the Sign of the Cross:
“In the name of the Father and of the Son and
of the Holy Spirit. Amen.” The baptized
person dedicates the day to the glory of God
and calls on the Savior’s grace which lets him
act in the Spirit as a child of the Father. The
sign of the cross strengthens us in
temptations and difficulties.”
Ang tanda ng krus ay para bigyang kapurihan ang Dios
na Santatlo, “Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen.” Iba’t ibang simbolismo at
pakinabang ang ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng
tanda ng krus. Halimbawa na riyan:
Una, ang krus ay tanda ng kaligtasan. Sa paglalagay
nito sa katawan ipinapakita ng isang Katoliko ang
kanyang pananampalataya sa pagliligtas ni Jesus sa
mga tao sa pamamagitan ng krus.
1 Corinto 1: 18, 23 Magandang Balita
Biblia, “Ang mensahe tungkol sa
pagkamatay ni Cristo sa krus ay kahangalan
para sa mga taong napapahamak, ngunit
ito’y kapangyarihan ng Diyos para sa ating
mga naliligtas… Ngunit ang ipinapangaral
namin ay si Cristo na ipinako sa krus, na para
sa mga Judio ay isang katitisuran at para sa
mga Hentil ay isang kahangalan.”
Efeso 2: 16 Magandang Balita Biblia,
“Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa
krus, winakasan niya ang kanilang alitan,
pinagkasundo sila sa Diyos at pinagbuklod sa
iisang katawan.”
At ikalawa, sa pag-aantanda ng krus ng kaligtasan
itinatalaga ng Katoliko ang kanyang sarili sa Dios
upang sa kasamaan ay malayo’t huwag masangkot. Sa
buhay na ito na puno ng kalikuan at mga gawa ng
kasamaan ang tanda ng krus ay isang mabisang
panlaban upang ang pagsisikap sa kabanalan ay
maipagpatuloy ng walang agam-agam.
Mateo 16: 24 Magandang Balita Biblia,
“Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad,
“Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay
kailangang itakwil ang kanyang sarili,
pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa
akin.” (Pagsunod kay Jesus)
Galacia 5: 24 Magandang Balita Biblia, “At
ipinako na sa krus ng mga nakipag-isa kay
Cristo Jesus ang kanilang laman at ang
masasamang hilig nito.” (Mortification)
Samakatuwid, ang marka o tatak ng krus ay hindi para
parangalan at sambahin sa halimaw o demonyo.
Bagkus, ito ay marka ng mga tunay na Kristiyano. Si
Apostol San Pablo ay may ganitong marka sa katawan.
Sabi niya:
Galacia 6: 14, 17 Ang Salita Ng Dios, “Sa
ganang akin, huwag nawang mangyari na
ako ay magmapuri maliban lamang
patungkol sa krus ng ating Panginoong
Jesucristo, na sa pamamagitan niya, ang
sanlibutan ay napako sa krus sa akin at ako
ay napako sa krus sa sanlibutan… Mula
ngayon ay huwag na akong bagabagin ng
sinuman, sapagkat taglay ko sa aking
katawan ang mga marka ng Panginoong
Jesus.” (akin ang diin)
Sa puntong ito mahalagang makita din na malaki ang
kaibahan ng tatak ng halimaw sa tatak ng krus. Una,
ang marka o tatak na binabanggit ng mga tumutuligsa
ay tatak ng pangalan ng halimaw:
Pahayag 13: 17 Magandang Balita Biblia,
“At walang maaaring magtinda o bumili
malibang sila’y may tatak ng pangalan ng
halimaw o ng bilang na katumbas ng
pangalan niyon.”
Samantalang ang tatak ng mga Katoliko ay tatak ng
pangalan ng Dios, “Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at
ng Espiritu Santo. Amen.” Tama ang tuligsa nila kung
aaminin muna nila na mga halimaw nga ang Ama, at
ang Anak, at ang Espiritu Santo; pero ito ay isang
bagay na hindi sinasang-ayunan ng Biblia (Mateo 28:
19, 2 Corinto 13:13).
At ikalawa, malinaw rin na ang tatak ng halimaw ay
nasa noo o kanang kamay lamang.
Pahayag 13: 16 Magandang Balita Biblia,
“Sapilitang pinatatakan ng ikalawang
halimaw ang lahat ng tao sa kanilang kanang
kamay o sa noo, maging sila’y dakila o
hamak, mayaman o mahirap, alipin o
malaya.”
Tinatakan sa “kanang kamay” O “sa noo” ay iba sa
pagsasabing “tinatakan sa kanang kamay AT sa noo.”
Dagdag pa diyan, ibang-iba ang ginagawa ng mga
Katoliko sa ginagawa ng halimaw na iyan. Ang
ginagawa ng mga Katoliko ay ang paglalagay ng tanda
ng krus sa noo, sa dibdib, at sa mga balikat gamit ang
kanang kamay. Ang tanda ng krus ay inilalagay sa
buong pang-itaas na bahagi ng katawan ng tao (upper
body). Ang mga alagad ng Dios ay may tatak sa noo, sa
dibdib at sa bisig (balikat):
Pahayag 7: 2-3 Magandang Balita Biblia,
“At nakita kong umaakyat sa gawing silangan
ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng
Diyos na buháy. Sumigaw siya sa apat na
anghel na binigyan ng kapangyarihang
maminsala sa lupa at sa
dagat, “Huwag muna ninyong pinsalain ang
lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy
hangga’t hindi pa namin nalalagyan ng tatak
sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.”
Awit ni Solomon 8: 6 Ang Biblia, “Ilagay mo
akong pinakatatak sa iyong puso (dibdib),
pinakatatak sa iyong bisig: sapagka’t ang
pagsinta ay malakas na parang kamatayan,
panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang
mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng
apoy, isang pinakaliyab ng Panginoon.
Kaninong pangalan ang nakatatak? Ang pangalan ng
Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo:
Pahayag 14: 1 Magandang Balita Biblia,
“Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na
nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang
isandaan at apatnapu’t apat na libong tao.
Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng
Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama.”
Efeso 4: 30 Magandang Balita Biblia, “At
huwag ninyong saktan ang kalooban ng
Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak ng
Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo’y
tutubusin pagdating ng takdang araw.”
(tingnan din ang Efeso 1: 13)
Ang tatak ng Dios na buhay ay walang iba kundi ang
krus. Ang mayroon nito ay ipagsasanggalang ng Dios
sa kasamaan at kapahamakan.
Ezekiel 9: 3-6 New Jerusalem Bible, “The
glory of the God of Israel rose from above the
winged creature where it had been, towards
the threshold of the Temple. He called to the
man dressed in linen with a scribe’s ink-horn
in his belt and Yahweh said to him, ‘Go all
through the city, all through Jerusalem, and
mark a cross on the foreheads of all who
grieve and lament over all the loathsome
practices in it.’ I heard him say to the others,
‘Follow him through the city and strike. Not
one glance of pity; show no mercy; old men,
young men, girls, children, women, kill and
exterminate them all. But do not touch
anyone with a cross on his forehead. Begin
at my sanctuary.’ So they began with the old
men who were in the Temple.” (emphasis
mine; maaring sangguniin din ang salin ni
Msgr. Jose Abriol at ang salin na “Biblia Ng
Sambayanang Pilipino”)
Huwag ding kalimutan na ang paglalagay ng tanda ng
krus sa katawan ay ginagawa na ng mga unang
Kristiyano noong unang panahon kung kailan
nagsisimula pa lamang ang iglesia ng Panginoon. Ito
ay sinabi ng ating mga Ama sa Pananampalataya:
Tertullian (d. c. 250): De corona, 30, “In all
our travels and movements, in all our coming
in and going out, in putting on our shoes, at
the bath, at the table, in lighting our candles,
in lying down, in sitting down, whatever
employment occupies us, we mark our
foreheads with the sign of the cross.”
St. Cyril of Jerusalem (d. 386):
Catechetical Lectures, 13, “Let us then not
be ashamed to confess the Crucified. Be the
cross our seal, made with boldness by our
fingers on our brow and in everything; over
the bread we eat and the cups we drink, in
our comings and in our goings out; before
our sleep, when we lie down and when we
awake; when we are traveling, and when we
are at rest.”
At kahit ang ama ng Protestantismo na si Martin
Lutero ay nag-utos na gawin ang pag-aantanda ng
krus:
Martin Luther’s Small Catechism (1529),
“In the morning, when you rise from bed,
sign yourself with the holy cross and say, ‘In
the name of the Father, the Son, and the Holy
Spirit. Amen.’…At night, when you go to bed,
sign yourself with the holy cross and say, ‘In
the name of the Father, the Son, and the Holy
Spirit. Amen.’”
Kaya huwag nating ikahiya ang tanda ng krus at ang
paglalagay nito sa ating katawan. Dahil sa
kahalagahan ng tanda ng krus ni Cristo ay dapat itong
ipagmalaki ng mga tunay na Kristiyano tulad ng
ginawa ni Apostol San Pablo.
Galacia 6: 14 Magandang Balita Biblia,
“Huwag nawang mangyari sa akin na
ipagmalaki ko ang anumang bagay bukod sa
krus ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Sapagkat sa pamamagitan nito, ang
mundong ito’y patay na para sa akin, at ako
nama’y patay na rin sa mundo.”
1 Corinto 4: 16 Magandang Balita Biblia,
“Kaya’t isinasamo ko sa inyo, tularan ninyo
ako.
********************VERITAS*********************