I was born and raised a Catholic and then sa middle po ng journey ko, lumipat po ako sa pagiging Protestant.
Nag-start yung pagkilala ko kay Lord noong muntik na kami mamatay sa isang car accident ng mga kaibigan ko. Lahat kaming lima nasa ospital, dalawang nasa ICU at isa dito ay na-comatose. Sa desperation ko, sinabi ko kay Lord na “Lord, kung talagang totoo ka, pagalingin mo yung mga kaibigan ko, at kung sasagutin mo yung dasal ko, pagsisilbihan kita habambuhay.” Ito yung nagsimula sa akin para mas kumapit sa Diyos at maniwala na nandiyan lang talaga Siya. Fast forward, gumaling lahat kami at unti-unti kong nararamdaman yung pagmamahal ni Lord. I eventually found The Feast. Nagserve ako doon at naging leader.
After almost 3 years of serving the Lord, yung pagka-uhaw at pagkagutom ko sa Kanya mas lalong lumalim to the point na gusto ko pa Siya makilala kaya natapos ko yung New Testament sa loob ng 2 weeks. Ang dami kong katanungan sa sarili kong pag-aaral sa bible, sabi ko “Bakit ako Katoliko?” “Bakit hindi aligned yung mga nakasulat dito sa mga ginagawa namin bilang Katoliko?” Feeling ko madaming mali. So naghanap ako ng sagot sa pag-attend sa born-again church, later on sabi ko “Bakit dito aligned? Bakit dito may assurance sila na diretso na sila sa langit”, “Bakit dito nasagot naman nila lahat ng mga tanong ko sa simpleng paraan?” So fast forward, I left the Catholic faith pati yung girlfriend ko na planning na kami magpakasal dahil di na kami aligned sa faith..And then ayun nabinyagan ako bilang born-again. Tapos on fire na naman ako, serve serve serve. Ministry ministry and then to the point na gusto ko na mag-Pastor.
After almost 3 years of being a born-again, dumating ako sa point na tinatanong ko sa sarili ko na bakit iniimpress pa din ni Lord sa puso ko yung ex-girlfriend ko, tinanong ko sa leaders ko doon kung pwede ko ba siya ipursue pero strict sila sa verse na “Do not be equally yoked with unbelievers.” nakikipagtalo ako sa kanila at kay Lord kasi sabi ko naniniwala din naman ito kay Hesus so believer din naman siya. Kanino na ba talaga ako makikinig para sa tamang interpretation ng verse na ito?
Dahil sa strong conviction ng ex ko sa Catholic faith at hindi daw siya magpapaligaw if hindi ako babalik, binasag ako ni Lord to revisit and to know the Catholic faith with a new set of eyes pero sa loob loob ko ang sabi ko “Sige aaralin ko ito para ipatunay sa’yo na ako yung tama at ikaw yung mali.”
Sa pag-aaral ko ulit, may point na pinagninilayan ko na bakit ako na yung naghuhusga sa mga tao kung sino yung mapupunta sa langit at kung sino yung hindi? Bakit parang nagiging ako na yung Diyos? Sino na ba talaga ang nagsasabi ng tama at sino na ba talaga yung makakapagbigay ng tamang kahulugan ng mga nakasulat sa bible? Nadudurog yung puso ko sa mga oras na naiisip ko yung division sa religion, even sa pagiging born-again ang dami pa ding hindi napagkakasunduan na mga bagay, kanya kanya ng interpretations. Naalala ko yung sarili ko na iniluluhod ko sa Diyos at iniiyak ko yung kalungkutan kung bakit hiwa-hiwalay tayong lahat dito sa mundo. Ang dami kong mga kaibigan na nawala dahil sa religion, mga taong nasaktan dahil sa maling approach ko para lang masabi na ito yung katotohanan. Napalayo ako sa pamilya ko dahil din sa religion.
Sa aking pag-aaral sa history ng Church.
Ito na yung nagpa-close ng deal sakin sa pagiging Katoliko.
Una, dahil sa Authority through Apostolic Succession. Dito ko nalaman na simula kay Hesus at sa pagtatalaga Niya kay Peter bilang head ng simbahan at sa mga sunud-sunod na Pope na nagdaan hanggang kay Pope Francis ngayon. Ito ang tunay sa Simabahan na itinayo ni Hesus na may authority to interpret the bible para iisa lang tayong lahat sa pagkakaintindi natin.
Pangalawa, hindi ko malalaman at pwedeng husgahan ang puso ng bawat tao.. si Hesus lang ang nakakaalam kung ililigtas Niya ang isang tao o hindi.
Pangatlo, ang misyon ng simbahan na pag-isahin tayong lahat. Iisa lang ang katotohanan at nandito yun sa pagiging Katoliko. Dito ko narealize na ang misyon ng Simbahan ay pagisahin lahat tayo sa pagmamahal ni Hesus. Iisang katotohanan, iisang puso, at iisang isip.
Dahil dito sa mga nireveal sakin ni Lord, mas lalo akong naempower to lead my family. Kagaya po ng simpleng pagiging consistent namin sa pagsisimba, sa pag-encourage mag-kumpisal, at sa araw-araw na pakikinig at pag-reflect sa Daily Gospels.
At sa pamamagitan din po ng story ko at realizations, gusto ko din po i-share ito sa iba, at sa inyong lahat..na napakaganda po ng faith natin. Napakasarap pong isipin na lahat tayo di natin natitake for granted yung faith natin, yung Banal na Misa at mga Sakramento..
Kaya samahan ninyo po ako para i-share natin yung Real Presence ni Jesus sa Eucharist..na magmumula sa ating mga tahanan, ating mga pamilya, mga kaibigan, at sa lahat ng tao na di pa nakikilala si Kristo sa Eucharist.