CFD Articles

ANG PAGKA-DIOS NG PANGINOONG JESUCRISTO

John 10:30 New Testament: An Expanded Translation, “I and the Father are one in essence.” 

 

Kahit tanggapin natin for the sake of argument na nagkaka-isa sila sa hanggarin (purpose): ang pag-aalaga sa mga tupa at ang pagbibigay sa kanila ng buhay na walang hanggan (vv. 26-28), lalabas pa rin na may kaisahan sa pagka-Dios ang Ama at si Cristo. Tandaan lang natin na ang pagbibigay ng buhay na walang hanggan ay bagay na tanging Dios lamang ang makagagawa (Deuteronomio 32: 39) at Siya rin ang pastol ng Kanyang bayan (Awit 95: 6-8). Kaya hindi lang ito basta pagkakaisa sa hangarin o sa pagbabantay sa mga tupa o “one accord” o “one heart and mind.” Bagama’t hindi natin itinatanggi ang mga iyan, pero mayroon pang mas pundamental o pangunahing dahilan ng pagkakaisa ang Ama at Anak, pagkakaisang saligan at batayan ng lahat sa pagitan nila — ang pagka-Dios!

 

Iisa sa pagka-Dios ang Ama at ang Anak; hindi magkaibang mga Dios. Kaya ang pagkilala ng Anak sa pagka-Dios ng Ama ay hindi katumbas sa pagsasabing hindi na Dios ang Anak. Ang Ama nga mismo ay nagpakilala din sa Kanyang Anak bilang Dios:

 

Hebreo 1: 8, 10-12 Magandang Balita Biblia, “Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan… Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula’y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang gumawa ng kalangitan. Maliban sa iyo, lahat ay lilipas, at tulad ng damit, lahat ay kukupas, at ililigpit mong gaya ng isang balabal, at tulad ng damit, sila’y papalitan. Ngunit mananatili ka at hindi magbabago, walang katapusan ang mga taon mo.” 

 

Sa mga talatang ito tinawag ng Ama ang Kanyang Anak na Dios, Panginoon, Manlilikha, at Walang Katapusan. Dahil ba sa sinabi ito ng Ama, hindi na rin tunay na Dios ang Ama?

 

Ngunit iyan nga ang punto, mga kapatid! Hindi ginamit ang masculineheispara hindi maimali na ang Ama at ang Anak ay iisang persona lamang. Ginamit ang neuterhen” dahil ito’y maari ding tumukoy sa pagiging isa sa “essence, nature” o sa 

pagka-Dios. Sa katunayan, ganito ang paglilinaw ng mga Bible scholars: 

 

Dr. Donald Arthur Carson, The Gospel according to John, Leicester, England; Grand Rapids, MI: Inter-Varsity Press; W.B. Eerdmans, 1991, page 394-935, “Verses 28–29 affirm that both the Father and the Son are engaged in the perfect preservation of Jesus’ sheep. Small wonder, then, that Jesus can say, I and the Father are one. The word for ‘one’ is the neuter hen, not the masculine heis: Jesus and his Father are not one person, as the masculine would suggest, for then the distinction between Jesus and God already introduced in 1:1b would be obliterated,…what Jesus does, the Father does, and vice versa (cf. notes on 5:19ff.)… In short, although the words I and the Father are one do not affirm complete identity, in the context of this book they certainly suggest more than that Jesus’ will was one with the will of his Father… Though the focus is on the common commitment of Father and Son to display protective power toward what they commonly own (17:10), John’s development of Christology to this point demands that some more essential unity be presupposed, quite in line with the first verse of the Gospel. Even from a structural point of view, this verse constitutes a ‘shattering statement’ (Lindars, BFG, p. 52), the climax to this part of the chapter, every bit as much as ‘before Abraham was born, I am!’ forms the climax to ch. 8. The Jews had asked for a plain statement that would clarify whether or not he was the Messiah. He gave them far more, and the response was the same as in 5:18; 8:59.”

Marvin R. Vincent, D.D., Word Studies in the New Testament, Volume I, Grand Rapids, Michigan: Wm. B, Eerdmans Publishing Co., 1985, page 197, “One (ἕν). The neuter, not the masculine εἷς, one person. It implies unity of essence, not merely of will or of power.”

 

Kaya, halimbawa, may isang salin ng Biblia na ganito ang sinasabi:

 

TULIGSA 1: Hindi Dios si Cristo dahil hindi Niya sinabing “Ako ay Dios” kundi tao ang pagpapakilala Niya sa Kanyang sarili.

 

Juan 8:40, “Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito’y hindi ginawa ni Abraham.”

 

*****************************************************

SAGOT 1: Hindi itinuro kailanman ng Iglesia Katolika na hindi totoong tao ang Panginoong Jesus. Kaya hindi salungat sa turo ng Iglesia Katolika ang pagsasabing ang Panginoong Jesus ay tunay na tao. Na totoong tao si Jesus ay dogma ng pananampalataya at turong ipinagtangol ng Santa Iglesia laban sa mga erehiya ng Gnosticism at Docetism

 

Dapat maintindihan na isa sa mga dahilan nang pagparito ni Jesus ay upang ipakilala ang Kanyang Ama; hindi upang dakilain ang Kanyang sarili. Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus:

 

Lukas 10: 22 Magandang Balita Biblia, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wala namang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong minarapat ng Anak na makakilala sa Ama.”

Juan 17:25-26 Magandang Balita Biblia, “Makatarungang Ama, hindi ka kilala ng sanlibutan, ngunit kilala kita, at alam rin ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinahayag ko na sa kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.”

 

Pero sa iba’t ibang mga pagkakataon ipinakilala rin mismo ni Jesus ang Kanyang sarili. 

 

Juan 8: 54-59 Magandang Balita Biblia, “Sumagot si Jesus, “Kung ako ang nagpaparangal sa aking sarili, walang kabuluhan iyon. Ang nagpaparangal sa akin ay ang aking Ama na sinasabi ninyong Diyos ninyo. Hindi ninyo siya kilala, ngunit siya’y kilala ko. Kung sasabihin kong hindi ko siya kilala, ako’y magiging sinungaling na tulad ninyo. Subalit kilala ko siya at tinutupad ko ang kanyang salita. Natuwa ang inyong amang si Abraham nang malaman niyang makikita niya ang araw ng aking pagdating. Nakita nga niya ito at siya’y nagalak.” Dahil dito’y sinabi sa kanya ng mga Judio, “Wala ka pang limampung taong gulang, paano mo masasabing nakita mo na si Abraham?” Sumagot si Jesus, “Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, ‘Ako ay Ako Na’.” Nagsidampot sila ng bato upang siya’y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng Templo.”

Juan 13: 19 Magandang Balita Biblia, “Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang kapag ito’y nangyari na, sasampalataya kayo na ‘Ako’y Ako Nga’.” 

 

Sa mga pagpapakilalang ito ng Panginoong Jesus sinabing Niyang “Ako’y Ako Nga/Na” o sa Inglis “I Am Who I am” (New International Version) o “I am He” (King James Version) o “I Am” (International Standard Version).  Ang paggamit ni Jesus sa “I Am Who I am” ay nagdadala sa atin sa pagpapakilala ng Dios sa Lumang Tipan.

 

Exodo 3: 13-14 Magandang Balita Biblia, “Sinabi ni Moises, “Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ako’y sinugo ng Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?” Sinabi ng Diyos, “Ako’y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’. (“I Am Who I Am” at “I Am” sa New International Version)

Isaiah 43: 10 New International Version, “You are my witnesses,” declares the Lord, “and my servant whom I have chosen, so that you may know and believe me and understand that I am he. Before me no god was formed, nor will there be one after me.”

 

Ibig lamang sabihin ng mga talatang ito na ang pagpapakilala ni Jesus na “I Am Who I Am” ay katumbas at kasingkahulugan sa pagsasabing “Ako ay Dios.” Kaya kung ang testimonya ng naghabla o ng kanyang kalaban ay maaring gamitin sa korte para mapatibay ang posisyon nung inihabla, masasabi nating ito ay malinaw na testimonya ng pagka-Dios ng Panginoong Jesus — kaya pumulot ang mga Hudyo ng bato para batuhin si Jesus sapagkat naintindihan nila ang Kanyang sinabi, na Siya ay Dios. Sa isang salin ng Biblia sa parehong mga talata ay may ganitong pahayag:

 

John 8: 58 Aramaic Bible in Plain English, “Yeshua said to them: “Timeless truth I speak to you: Before Abraham would exist, I AM THE LIVING GOD.”

John 13: 19 Aramaic Bible in Plain English, “Now I am telling you before it happens, that when it has occurred, you shall believe that I AM THE LIVING GOD.”

 

Ang pagiging totoong tao ni Jesus ay hindi salunggat sa Kanyang pagka-Dios, “sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao” (Colosas 2: 9 Magandang Balita Biblia). Kaya walang saysay na pagkontrahin ang dalawa tulad nang ginagawa ng mga tumutuligsa.

 

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

TULIGSA 2: Ang tunay na Dios ay walang kinikilalang ibang Dios (Isaias 44:6), pero si Jesus ay may kinikilalang Dios: 

 

Juan 17:1-3, “Pagkasabi ni Jesus ng mga ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang luwalhatiin ka niya. Sapagkat binigyan mo siya ng kapangyarihan sa lahat ng tao upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kanya. At ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila na iisang tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong isinugo.”

Juan 20:17, “Sabi ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”

 

*****************************************************

 

SAGOT 2: Tama, walang kinikilalang ibang Dios ang tunay na Dios. Si Cristo ay hindi “ibang Dios” na para bagang pinalalabas ng mga tumutuligsa na may “dalawang Dios.” Maling-mali po; wala sa turo ng Iglesia Katolika.

 

Sabi ni Jesus sa Juan 10: 30 Magandang Balita Biblia, “Ako at ang Ama ay iisa.”

Ang New Testament po generally speaking ay isinulat sa salitang Griyego kaya mas mainam na sangguniin natin ito sa orihinal niyang salita. Sa Griyego ganito ang pagkakasulat, “Ἐγὼ καὶ ὁ Πατὴρ ἓν ἐσμεν.” (Transliteration: Ego kai ho Pater hen esmen.”) Sabi ng mga Iglesia ni Cristo ni Manalo at ng Mga Saksi ni Jehovah na hindi raw ito patunay na Dios nga si Jesus dahil ang salitang Griyegong “hen” (ἓν) ay neuter. Ang ginamit daw sana ay ang pangalang panlalaki o masculine na “heis” (εἷς).