Intercession of Saints
TULIGSA 1: Maling-mali ang mga Katoliko sa paglapit
sa mga santo dahil ito’y mga patay na. Wala na silang
magagawa pa at bawal ang pakikipag-ugnayan sa mga
patay ayon sa Biblia.
Leviticus 19:31, “Huwag kayong sasangguni sa mga
kumakausap sa mga espiritu ng mga namatay o sa
mga manghuhula. Kayo’y ituturing na marumi kapag
sumangguni kayo sa kanila. Ako si Yahweh, ang
inyong Diyos.”
Ecclesiastes 9: 5-6, “Alam ng buháy na siya’y
mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang
nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan
nang lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig,
pagkapoot, at pagkainggit; anupa’t wala silang
namamalayan sa anumang nangyayari sa mundo.”
*****************************************************
SAGOT 1: Ang ipinagbabawal ay ang tinatawag na
“necromancy” o ang pakikipag-usap sa mga patay o
pagkunsulta sa mga patay sa tulong ng mga okultista
Apocalipsis 8: 3 Ang Biblia, “At dumating ang ibang
anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak
na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan
siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa
mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng
dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.”
*****************************************************
TULIGSA 2: Ang pagdadasal kay Maria at sa mga santo
ay paglapastangan kay Cristo dahil si Cristo lamang
ang tagapamagitan sa Dios at sa tao.
1 Timoteo 2:5, “Sapagkat iisa ang Diyos at iisa ang
tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao, ang taong si
Cristo Jesus.”
SAGOT 2: Hindi itinatanggi ng Iglesia Katolika na ang
Panginoong Jesus ang iisang Tagapamagitan ng Dios
at mga tao sa pagtubos sa mga tao mula sa kasalanan
(I Timoteo 2:5-6 Magandang Balita Biblia).
Catechism of the Catholic Church #2634,
“Intercession is a prayer of petition which leads us to
pray as Jesus did. He is the one intercessor with the
Father on behalf of all men, especially sinners. He is
“able for all time to save those who draw near to God
through him, since he always lives to make
intercession for them.”
Ngunit ang pagiging Tagapamagitan ba ni Jesus ay
nagpapawalang halaga at bisa sa pagdadasal ng isang
tao para sa kanyang kapwa (Intercessory Prayer)?
Hindi po. Sapagkat ang pagdarasal ng isang tao para
sa kanyang kapwa ay pakikibahagi niya sa pagiging
Tagapamagitan ng Panginoong Jesus.
Catechism of the Catholic Church #2635, “Since
Abraham, intercession – asking on behalf of another
has been characteristic of a heart attuned to God’s
mercy. In the age of the Church, Christian
intercession participates in Christ’s, as an
expression of the communion of saints. In
intercession, he who prays looks “not only to his own
interests, but also to the interests of others,” even to
the point of praying for those who do him harm.”
(emphasis mine)
Ito’y sinusuportahan din ni Apostol San Pablo. Itaas
lang ng kaunti ang 1 Timoteo 2: 5 papunta sa naunang
mga talata:
1 Timothy 2: 1-3 New International Version, “I
urge, then, first of all, that petitions, prayers,
intercession and thanksgiving be made for all
people — for kings and all those in authority, that we
may live peaceful and quiet lives in all godliness and
holiness. This is good, and pleases God our
Savior…” (emphasis mine)
Kaya, hindi labag sa pagiging Tagapamagitan ni Jesus
ang pagdadasal ng ibang Kristiyano sa kanilang
kapwa. Sa katunayan, ang intercessory prayer o ang
pagdarasal para sa ibang tao ay ginagawa at
ipinagagawa ng mga Banal na Apostol.
Filipos 1: 3-5 Magandang Balita Biblia,
“Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala
ko kayo. Ako’y nagagalak tuwing ako’y
nananalangin para sa inyong lahat, dahil sa inyong
pakikiisa sa pagpapalaganap ng Magandang Balita
tungkol kay Cristo, mula nang ito’y inyong tanggapin
hanggang sa kasalukuyan.” (akin ang diin)
Colosas 4: 2-4 Magandang Balita Biblia, “Maging
matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at
nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na
bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang
kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo,
ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. Ipanalangin
din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw,
gaya ng nararapat.” (New International Version v. 3
“pray for us”)
2 Tesalonica 3: 1-2 Magandang Balita Biblia, “Mga
kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami
upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na
lumaganap at parangalan ng lahat, tulad ng ginawa
ninyo. Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga
taong mapaminsala at masasama, sapagkat hindi lahat
ay may pananampalataya sa Diyos.”
Marahil sasabihin ng mga tumutuligsa na pwedeng
mamagitan ang buhay pero hindi ang patay tulad sa
mga santo ng Iglesia Katolika. Ang sagot ng Santa
Iglesia ay malinaw: nananatiling buhay ang mga banal
sa piling ng Dios sa langit. Ganito ang patotoo ng Banal
na Kasulatan:
Marcos 12: 26-27 Magandang Balita Biblia,
“Tungkol naman sa muling pagkabuhay, hindi ba
ninyo nabasa sa aklat ni Moises, sa kasaysayan ng
nagliliyab na mababang puno, ang sinabi ng Diyos sa
kanya? Ito ang sinabi niya, ‘Ako ang Diyos ni Abraham,
Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.’ Ang Diyos ay hindi
Diyos ng mga patay; siya ang Diyos ng mga buháy.
Talagang maling-mali kayo!”
Filipos 1: 23 Magandang Balita Biblia, “nais ko nang
pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo,
sapagkat ito ang lalong mabuti.” (2 Corinto 5: 8)
At hindi rin napapatid ang ugnayan ng mga buhay na
nandito pa sa lupa at ang mga banal na nasa piling ng
Dios sa banal na siyudad. Nagpapatuloy ang ugnayan
at pagdarasal.
Roma 8: 35, 37-39 Magandang Balita Biblia, “Sino
ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo?
Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig,
pagkagutom, kahirapan, panganib, o
kamatayan?…Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo’y lalong
higit pang magtatagumpay sa pamamagitan niya na
nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong walang
makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit
ang kamatayan o ang buhay, ang mga anghel o ang
mga pamunuan at ang mga kapangyarihan, ang
kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan o ang
kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi
makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na
ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus
na ating Panginoon.”
Apocalipsis 8: 3 Ang Biblia, “At dumating ang ibang
anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak
na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan
siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa
mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng
dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.”
at espiritista. Sa turo ng Iglesia Katolika, bawal ang
“necromancy” sapagkat ito’y paglabag sa utos ng Dios.
Catechism of the Catholic Church #2116, “All forms
of divination are to be rejected: recourse to Satan or
demons, conjuring up the dead or other practices
falsely supposed to “unveil” the future. Consulting
horoscopes, astrology, palm reading, interpretation of
omens and lots, the phenomena of clairvoyance, and
recourse to mediums all conceal a desire for power
over time, history, and, in the last analysis, other
human beings, as well as a wish to conciliate hidden
powers. They contradict the honor, respect, and
loving fear that we owe to God alone.”
Pero ang lahat ba ng pakikipag-usap sa “patay” ay
bawal at paglabag sa utos ng Dios? Kung ang lahat ng
pakikipag-usap sa mga “patay” ay labag sa utos ng
Dios, lalabas na nilabag mismo ni Jesus ang utos na ito.
Mateo 17:1-3 Magandang Balita Biblia, “Pagkaraan
ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang
magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa
isang mataas na bundok. Habang sila’y naroroon,
nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag
na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa
kaputian ang kanyang damit. At nakita ng tatlong
alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay
Jesus.”
Nakipag-usap si Jesus kay Moises na matagal nang
“patay.” At kung talagang bawal lahat ng uri ng
pakikipag-usap sa “patay” ay sana pinagsabihan ni
Moises si Jesus dahil si Moises din naman ang
tumanggap ng batas na ito sa Torah.
Ang mga banal sa langit ay hindi naman talagang
patay na para bang ipinapakahulugan ng mga
tumutuligsa na huminto din sa pag-iral ang mga
namatay na (annihilation). Ngunit malinaw ang turo
ng Banal na Kasulatan na ang mga “patay”, lalo na ang
mga banal sa langit, ay nananatiling buhay: life is
changed but not ended.
Dapat maunawaan na ang tinutukoy sa Biblia na wala
nang mararamdaman at hindi na maaring makatulong
sa mga buhay ay ang katawan ng patay (cadaver) dahil
babalik na ito sa alabok:
Awit 30: 9 Ang Biblia, “Anong pakinabang
magkakaroon sa aking dugo, pagka ako’y mababa sa
hukay? Pupuri ba sa iyo ang alabok? Magsasaysay ba
ito ng iyong katotohanan?”
Ngunit ang espiritu ng tao ay patuloy na umiiral
(Lukas 16: 19-31). Sa isang pangitain nakita ni San
Juan ang mga banal, bagamat “patay” na ay nakikipag-
usap sa Dios at nagpapakita ng pag-iisip at emosyon.
Apocalipsis 6: 9-10 Ang Biblia, “At nang buksan niya
ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana
ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng
Dios, at dahil sa patotoong sumakanila: At sila’y
sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang
kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo
hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga
nananahan sa ibabaw ng lupa?”
Ang mga banal na taong ito ay mas nakatutulong pa sa
mga buhay sapagkat sila ay kasama na ng Panginoong
Jesus.
2 Corinto 5: 8 Magandang Balita Biblia, “Malakas
ang aming loob at mas gusto pa nga naming iwan ang
katawang ito na aming tinatahanan ngayon, upang
manirahan na sa piling ng Panginoon.”
Filipos 1: 23 Magandang Balita Biblia, “nais ko nang
pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo,
sapagkat ito ang lalong mabuti.”
At doon nga sa langit ay nakita ni San Juan ang mga
banal at ang kanilang mga panalangin. Ibig din lamang
ipahiwatig nito na ang mga banal sa langit ay
nakakaalam at nakikinig pa rin sa mga dasal ng tao sa
lupa.
Apocalipsis 5: 8 Ang Biblia, “At pagkakuha niya ng
aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang
dalawangpu’t apat na matatanda ay nangagpatirapa
sa harapan ng Cordero, na ang bawa’t isa’y may alpa,
at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na
siyang mga panalangin ng mga banal.”