CFD Articles

Relihiyon o Relasyon

Totoo bang hindi kailangan ng RELIHIYON
at RELASYON lamang ang kailangan?
Walang mababasa kahit saan man sa Biblia
na itinuro ng mga Apostol na “hindi kailangan ng
relihiyon, kundi relasyon lang”. HINDI ITO
DAPAT MAGING KAISIPAN NG LAHAT!
Walang pagkokontra sa pagitan ng RELIHIYON at
RELASYON. Ang salitang RELIGION ay mula sa
Latin na “religare” na ibig sabihin ay “ibuklod muli”
o “ibalik ang relasyon”. ANG RELIHIYON AY
RELASYON! Ang Relihiyon ang nagpapakilala ng

pananampalataya sa mga tao, kung wala ang relihi-
yon, pano mo malalaman kung kanino dapat

magkaroon ng relasyon? Kapag mali ang relihiyon,
mali ang magiging pananampalataya ng tao. Kaya

naman mahalaga ang relihiyon, dahil ang pagkaka-
kilala natin sa Manliligtas ay nakabatay dito! Sa

pagpili ng paniniwalaa, kaluluwa mo ang nakataya.
Totoo bang ang Kristyanismo ay isang
Relasyon at hindi Relihiyon? HINDI!
“Hindi maikakaila na napakadakila
ng hiwaga ng ating RELIHIYON:

Siya’y nahayag nang maging tao, pinatuna-
yang matuwid ng Espiritu, at nakita ng mga

anghel. Ipinangaral sa mga Hentil, pinani-
walaan ng lahat, at itinaas sa

kalangitan.” (1 Timoteo 3:16, MBB)

“Ang dalisay na RELIHIYON at walang
dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay
ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing

balo sa kanilang kapighatian, at pag-
ingatang walang dungis ang kaniyang sarili

sa sanglibutan.” (Santiago 1:27 ABTAG)

Kung tunay na hindi Relihiyon ang Kristyanis-
mo, bakit ito nasulat sa Biblia?

ANG KRISTYANISMO AY ISANG
RELIHIYON AYON SA BIBLIA!

Pare-pareho lang ba lahat ng relihiyon sa
mata ng Diyos?
Maling isipin na lahat ng relihiyon ay
pantay-pantay lamang sa Diyos. Ito’y katumbas
ng pag iisip na pantay lamang sa Diyos ang
MALI at TAMA, ang KASINUNGALINGAN at

KATOTOHANAN, ang PANLOLOKO at PAG-
TUTURO NG TAMA. Ang kaisipan na pagkaka-
pantay-pantay ng relihiyon ay nagsimula

lamang nitong 20th Century. Isa itong bagong
kaisipan. Hindi dapat natin isipin na pareho
ang lahat ng Relihiyon. MAYROON LAMANG
IISANG TUNAY NA IGLESIA O RELIHIYON
NA SIYANG ITINATAG NI KRISTO (Mateo
16:18).

Alin ang tunay na Relihiyon?
Tanging ang Relihiyon na kayang
patunayan ang kasaysayan sa panahon ni Kristo
ang siyang Tunay na Relihiyon. At walang ibang
relihiyon sa mundo ang napatunayan na ng
kasaysayan maliban sa IGLESIA KATOLIKA
APOSTOLIKA ROMANA!

Sino ang mga Kristyano o “Christians”?
Ang mga Kristyano ay GRUPO ng mga
taong nananampalatayang si Hesus ang Kristo
at Anak ng Diyos. Sila’y tinawag na Kristyano
bilang pangkutya ng mga Hentil sa kanilang
paniniwala kay Kristo. Ito ay nagsimula sa
Antioch (Gw.11:26) . Ang grupo na ito ay may
iisang paniniwala at iisang kinikilalang
pinuno dito sa lupa, si Pedro (Pansinin ang
lahat ng pagkalista ng pangalan ng mga apostol
sa mga Ebanghelyo, laging si Pedro ang nauuna.
Ito ay dahil sya ang kinikilalang lider ng Iglesia
ng mga panahong iyon). Itong grupong ito ay
lumaganap sa iba’t ibang lahi. Noong taong
110AD ang grupong ito ay pinangalanan ni San

Ignacio bilang “Catholic Church” mula sa sali-
tang Griyego na “Kat Holes” na ibig sabihin ay

“pangkalahatan” o “universal”. Ang Iglesia
Katolika, ay ang parehong Igleisa na itinayo
mismo ni Hesus kay Pedro.

Maliligtas ba ang mga nasa labas ng Iglesia
Katolika?
Ang Kaligtasan ay matatamo lamang sa Iglesia—
kay Kristo bilang Ulo na syang daluyan ng grasya
na nagbibigay buhay sa pamamagitan ng Simbahan
na kanyang Katawan. Mariin na sinabi ni Kristo na
upang maligtas, kailangang maipanganak muli

(bautismo o binyag) at maniwala (believe). Gayun-
paman, ang sinumang walang muwang at hindi

nalaman ang katotohanang ito, ngunit binubusilak
ang puso na naaayon sa Diyos at gumagawa ng

mabuti ayon sa konsensya, ay MAAARING mag-
tamo ng kaligtasan.

Dapat bang sumama ang isang Katoliko sa
pagtitipon ng mga Protestante?
HINDI! Hindi ito hinihimok ng Simbahan
dahil nagkakaroon ng maling kaisipan tungkol sa
Diyos ang mga tao sa pagdalo sa kung saan saang
sekta na iba-iba ang mga itinuturo.
Dapat ba nating irespeto at hayaan nalang
ang pamamahayag nila sa mga tao?
Ating nirerespeto ang kanilang dignidad bilang
mga kapwa natin tao. Ngunit kailanman ay hindi

natin dapat respetuhin nalang ang mga paniniwa-
lang mali at kalapastanganan sa Diyos. Rerespeto

nalang ba tayo kung makikita nating ang kapatid
natin ay binibigyan ng lason?
ANG IGLESIA KATOLIKA BA AY ISANG
SEKTA GAYA NG INIISIP NG IBA?
Hindi po! Ang depinisyon ng sekta ay
ganito: “a group of people with somewhat different
religious beliefs (typically regarded as heretical)
from those of a larger group to which they (used to)
belong.” (ayon sa Google Dictionary)
Ang isang Sekta ay isang grupo na may
sariling doktrina o katuruan na HUMIWALAY
SA MAS MALAKING GRUPO NA DATING
KINABIBILANGAN NITO. Ang Simbahang

Katolika ay kailanman hindi humiwalay sa kani-
numan. ITO ANG ORIHINAL NA GRUPO!

Kaya naman kung papansinin natin ang kasaysa-
yan, ang lahat ng “founder” ng mga Protestante ay

mga DATING KATOLIKO.

DAPAT BANG MAGDASAL O MAKIWORSHIP
SA “SERVICE” NG MGA SEKTA?
LALONG HINDI! Isang malaking rason ay
dahil HINDI IISA ANG DIYOS NA ATING
KINIKILALA AT SINASAMBA. Ang mga sekta ay
may sariling bersyon nila ng Diyos na tumutugma
lamang sa kanilang kagustuhan. Narito ang ilan sa
mga pagkakaiba:

HESUS ng KATOLIKO
* Nagtayo ng IISANG IGLESIA
* Ibinigay ang awtoridad ng pagtuturo sa
IGLESIA
* Siya’y Tunay na Diyos at Tunay na Tao
* Minamahal ang kanyang INA
* Minamahal ang kanyang mga Santo
na namatay para sa kanya
* Itinalaga si Pedro bilang Lider
* Ang presensya ay sa Eukaristiya
* Ang Krus ay Kapangyarihan
* Pinapabinyagan LAHAT ng Tao
HESUS ng PROTESTANTE
* Nagtayo ng MADAMING SEKTA
* Ibinigay ang awtoridad ng pagtuturo sa
BIBLIA (na walang interpretasyon)
* Minsan Tunay na Diyos, Tao siguro?
* Di kinikilala ang kanyang INA
* Walang pake sa kanyang mga Santo
na namatay para sa kanya
* Itinalaga ang kung sino sino
bilang Lider
* Ang presensya ay sa mga kanta
* Ayaw sa Krus o Crucifix
* Ayaw binyagan ang Sanggol at
Bata

KNOW THE TRUTH!
MAGDADASAL KA PARIN BA SA IBANG
HESUS? MAGSURI AT MAG ARAL NANG
HINDI MALOKO! NAGSIKALAT NA SILA

NGAYON!