CFD Articles

Biblia Ba Lamang?

TULIGSA 1: Isa sa mga maling turo ng Iglesia
Katolika ay tungkol sa Biblia. Maliwanag sa
turo ng mga Apostol na Biblia lamang (Sola
Scriptura) ang tanging batayan at
pamantayan ng pananampalataya at
moralidad.
2 Timoteo 3: 15-17, “Mula pa sa pagkabata alam
mo na ang Banal na Kasulatan, na may
kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan
tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng

Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-
pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa

pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong
gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na
pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay

maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting
gawain.”
*****************************************************
SAGOT 1: Hindi mali ang turo ng Iglesia
Katolika tungkol sa Biblia. Ang mali at wala
pa sa Biblia mismo ay ang turo ng mga
sektang Protestante na “Sola Scriptura” o
“Biblia Lamang.” Pinaniniwalaan ng Iglesia
Katolika na ang Biblia ay isang matibay na
pamantayan ng katotohanan (standard of

truth). Ito ay kinasihan ng Dios at kapaki-
pakinabang ay tinatanggap din ng Iglesia

Katolika. Ngunit ang prinsipyong “Sola
Scriptura” ay hindi katanggap-tanggap
sapagkat ito’y hindi biblikal. Ito’y hindi
itinuro ni Cristo at ng mga Apostol.
Kung susuriing mabuti ang talatang binigay
(2 Timoteo 3:15-17) hindi ito sumusuporta
sa “Sola Scriptura”. Una, ang salitang
“kapaki-pakinabang” o “profitable” (Greek:
ὠφέλιμος, óphelimos: useful, profitable) ay
hindi kasingkahulugan ng “only” o ng
“sufficient.” Ipinakikita lamang ni Apostol
San Pablo rito ang mga magagandang
katangian ng Banal na Kasulatan. Ikalawa,
ang “Banal na Kasulatan” sa talatang ito ay
hindi tumutukoy sa buong Biblia sapagkat
wala pang Biblia noong panahon nina
Apostol San Pablo at Timoteo. Ang Banal na
Kasulatang alam ni Timoteo mula pagkabata
ay ang Kasulatang Hudyo o Lumang Tipan.
Ang buong Biblia (Luma at Bagong Tipan)
tulad nang mayroon tayo ngayon ay nabuo sa
pangunguna ng Iglesia Katolika sa Council of
Rome noong 382 A.D. sa ilalim ni Pope

Damasus I. Ito’y pinagtibay rin ng Council of
Hippo (393 A.D.) at Council of Carthage
(397 at 419 A.D.). At ikatlo, aatras lang tayo
ng kaunti mula sa talatang binigay pero sa
parehong sulat parin ni Apostol San Pablo (2
Timoteo) makikita nating hindi lamang kung
ano ang nakasulat ang dapat tanggapin kundi
pati na ang narinig ng mga alagad mula sa
mga Apostol, alalaon-baga’y iyong mga hindi
nakasulat (Oral Apostolic Tradition).
2 Timothy 1:13-14 New International
Version, “What you heard from me, keep as
the pattern of sound teaching, with faith and
love in Christ Jesus. Guard the good deposit
that was entrusted to you—guard it with the
help of the Holy Spirit who lives in us.”
(emphasis mine)
2 Timothy 2:1-2 New International
Version, “You then, my son, be strong in the
grace that is in Christ Jesus. And the things
you have heard me say in the presence of
many witnesses entrust to reliable people
who will also be qualified to teach others.”
(emphasis mine)
Hindi maitatangging maging ang mga bagay
na narining mula sa turo ng mga Apostol,
kahit hindi naisulat, ay maituturing pa ring
salita ng Dios. Malinaw na itinuturo ito sa
atin ni Apostol San Pablo:
2 Thessalonians 2: 13 New International
Version, “And we also thank God continually
because, when you received the word of
God, which you heard from us, you
accepted it not as a human word, but as it

actually is, the word of God, which is indeed
at work in you who believe.” (emphasis mine)
Ang prinsipyong Protestante na “Sola
Scriptura” ay labag sa turo ng Biblia.
Tinitiyak natin na sa buong Biblia mismo ay
walang makikitang “Sola Scriptura” ang mga
sektang Protestante. Walang turo ni
pahiwatig man lamang ng doktrina
Protestanteng ito sa Biblia mismo.

TULIGSA 2: Turo ng Iglesia Katolika na
maliban sa Biblia, kasama rito ang “Banal na
Tradisyon” (Sacred Tradition). Pero ang
paniniwalang ito ay tinuligsa mismo ni Jesus:
Marcos 7: 6-8, “Sinagot sila ni Jesus, “Mga
mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni Isaias
tungkol sa inyo, nang kanyang isulat, ‘Ang
paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari
lamang, sapagkat ito’y sa bibig at hindi sa puso
bumubukal. Walang kabuluhan ang kanilang
pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa
Diyos ang kanilang mga utos.’ Binabaliwala ninyo
ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo’y mga
tradisyon ng tao.” (cf. Mateo 15: 6-8)
*****************************************************
SAGOT 2: Ang mga turo ng Iglesia Katolika
ay nakabatay sa Salita ng Dios. Ang banal na
Salitang ito ay dumating sa atin sa dalawang

paraan: Biblia at Tradisyon. Para sa mga
sektang Protestante ang Biblia lang ang
Salita ng Dios. Pero sa sulat mismo ni Apostol
San Pablo itinuring niyang Salita ng Dios ang
mga bagay na narinig at natanggap ng mga
Kristiyano mula sa kanila kahit na ito’y hindi
nakasulat.
2 Thessalonians 2: 13 New International
Version, “And we also thank God continually
because, when you received the word of
God, which you heard from us, you
accepted it not as a human word, but as it
actually is, the word of God, which is indeed
at work in you who believe.” (emphasis mine)
Samantala, ang “tradisyon ng tao” na
tinutukoy ng Panginoong Jesus ay ang turo
ng mga Pariseo at escriba na ritwal ng
paghuhugas ng kamay bago kumain (talata
1-5). Dahil sa tradisyon nilang ito ay naging
mapanghusga ang mga Pariseo at escriba sa
kanilang kapwa at maging sa Panginoong
Jesus mismo dahil sa hindi pagsunod sa
kanilang tradisyon. Dahil diyan nawala na
ang isa sa pinakaimportanteng utos ng Dios
– mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong
sarili (Marcos 12:31). Kaya pinaalalahan
sila ni Jesus na hindi ang pumapasok sa tao
ang nagpaparumi sa kanya kundi ang mga
lumalabas mula sa tao.
Marcos 7:20-23 Mabuting Balita Biblia, “At
sinabi rin niya, “Ang lumalabas sa tao ang
nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos.
Sapagkat sa loob, sa puso ng tao, nagmumula
ang masasamang isipang nag-uudyok sa
kanya upang makiapid, magnakaw, pumatay,

mangalunya, mag-imbot, gumawa ng
kasamaan tulad ng pandaraya, kahalayan,
pagkainggit, paninirang-puri,
pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng
masasamang bagay na ito ay nanggagaling sa
puso at dahil sa mga ito ay nagiging marumi
ang tao.”
Kaya ang partikular na pagpuna ni Jesus sa
“tradisyong ng tao” ng mga Pariseo at escriba
ay hindi katumbas sa pagpuna sa lahat ng uri
ng tradisyon lalo na sa Banal na Tradisyon
mula sa mga Apostol. Paanyaya pa ni Apostol
San Pablo sa mga Kristiyano ay
panghawakang matibay ang Tradisyon na
ipinasa nila sa mga alagad.
1 Corinthians 11:2 New International
Version, “I praise you for remembering
me in everything and for holding to the
traditions just as I passed them on to
you.” (emphasis mine)
2 Thessalonians 3:6 New Revised
Standard Version, “Now we command
you, beloved, in the name of our Lord
Jesus Christ, to keep away from believers
who are living in idleness and not
according to the tradition that they
received from us.” (emphasis mine)