CFD Articles

Mga Imahen

TULIGSA: Sa parehong Luma at Bagong Tipan
mahigpit na ipinagbabawal ng Panginoong Dios ang
paggawa ng mga larawan o imahen. Kaya ang mga
Katoliko ay lumalabag sa utos at kalooban ng Dios.
Exodo 20:4-5, “Huwag kang gagawa ng imahen ng
anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa
tubig upang sambahin. Huwag mo silang yuyukuran ni
sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos
ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga
magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak
hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.”
Roma 1: 21-23, “Kahit na kilala nila ang Diyos, siya’y
hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan
man…Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na
walang kamatayan, at ang sinamba nila’y mga larawan
ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga
hayop na lumalakad, at ng mga hayop na
gumagapang.”
*****************************************************
SAGOT: Walang mali sa mga talatang ibinigay ng mga
tumutuligsa. Ang mali ay nasa kanilang paggamit at
pagpapakahulugan sa mga talata. Iginigiit ng mga
taong ito na bawal ang paggawa ng kahit anumang
larawan o imahen ayun daw sa Dios. Pero ang tanong:
Lahat ba ng imahen ay ipinagbabawal ng Dios?
Lahat ba ng larawan ay dios-diosan?
Nasa mga talatang ibinigay sa tuligsa ang susi sa
tamang pagkaunawa sa kung ano nga ba ang
ipinagbabawal ng Dios; sinusuportahan din ito ng iba
pang mga talata sa Biblia. Ang mahigpit na
ipinagbabawal ng Panginoong Dios ay ang paggawa ng
mga imahen o larawan upang sambahin (latria,
adoration) ang mga ito tulad sa pagsambang iniuukol
lamang sa tunay na Dios.

Addendum

Ang Arka ng Tipan ay may mga nilikok na imahen ng
kerubin. Sa harap nito nagdadasal ang mga pari dahil dito
nakikipagtagpo ang Panginoong Dios sa Kanyang bayan.

Ang prusisyon ay hindi rin labag sa kalooban ng Dios. Sa
Biblia, ang bayan ng Dios ay may mga prusisyon bilang
pagbibigay paranggal sa Dios.
Psalm 68: 24-26 New International Version,
“Your procession, God, has come into view, the
procession of my God and King into the sanctuary.
In front are the singers, after them the musicians;
with them are the young women playing the
timbrels. Praise God in the great congregation;
praise the Lord in the assembly of Israel.”
(tingnan din ang 2 Samuel 6: 2-5 Magandang
Balita Biblia)

Josue 7: 6 Magandang Balita Biblia,
“Pinunit ni Josue at ng pinuno ng Israel ang
kanilang kasuotan dahil sa matinding
paghihinagpis. Nagpatirapa sila sa harap ng
Kaban ng Tipan ni Yahweh. Naglagay din sila
ng abo sa ulo bilang tanda ng kalungkutan
hanggang sa paglubog ng araw.”
Kaya hindi lumalapat sa Iglesia Katolika ang
pakahulugan at akusayon ng mga tumutuligsa.
Paggalang (respectful veneration) ang iniuukol sa mga
imahen at hindi pagsamba (adoration). Dapat lang na
igalang ang mga imahen sa templo ng Dios sapagkat
itinuturing ng Dios na kaaway ang lumalapastangan
sa mga ito.
Awit 74: 3-6 Magandang Balita Biblia,
“Lapitan mo ang naiwan sa winasak ng
kaaway. Ang guho ng santuwaryo mo na
sinira nang lubusan. Ang loob ng iyong
templo’y hindi nila iginalang, sumisigaw na
nagtayo ng kanilang diyus-diyosan. Ang
lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy,
magmula sa pintuan mo’y sinibak at
pinalakol. Ang lahat ng inukitang mga
kahoy sa paligid, pinalakol at dinurog ng
kaaway na malupit.” (akin ang diin)
Binibigayang-diin natin na sa opisyal na turo ng Santa
Iglesia Katolika ang paggalang na inuukol sa mga
larawan o imahen ng mga santo ay hindi pagsamba
tulad ng pagsamba na iniuukol lamang sa Dios.
Catechism of the Catholic Church #2132,
“The Christian veneration of images is not
contrary to the first commandment which
proscribes idols. Indeed, “the honor
rendered to an image passes to its
prototype,” and “whoever venerates an
image venerates the person portrayed in it.”
The honor paid to sacred images is a
“respectful veneration,” not the adoration
due to God alone:”

********************VERITAS*********************

Exodo 20: 4-5 Magandang Balita Biblia,
“Huwag kang gagawa ng imahen ng
anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o
nasa tubig upang sambahin. Huwag mo
silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat
akong si Yahweh na iyong Diyos ay
mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng
mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang
mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na
salinlahi.”
Deuteronomio 16: 22 Magandang Balita
Biblia, “At huwag kayong gagawa ng
rebultong sasambahin sapagkat iyon ay
kasuklam-suklam sa kanya.”
Isaias 44: 17 Magandang Balita Biblia,
“Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang
diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba.
Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo
ako sapagkat ikaw ang aking diyos!”
Hindi lahat ng mga imahen sa templo ng Dios ay
Kanyang ipinagbabawal. Apat na kabanata lang ang
pagitan mula Exodo 20, inutusan ng Dios si Moises na
gumawa ng imahen ng mga kerubin.
Exodo 25: 18-20 Magandang Balita Biblia,
“Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto
ang dalawang dulo nito, tig-isa sa
magkabilang dulo. Ihihinang ang mga
kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay
maging iisang piraso. Gawin mong
magkaharap ang dalawang kerubin na
parehong nakatungo, at nakabuka ang mga
pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng
Awa.”
Si Moises na tumanggan ng utos sa Exodo 20 ay
inutusan din ng Dios na gumawa ng imahen ng ahas
mula sa tanso at gagaling ang sinumang tumingin sa
tansong ahas na ito.
Bilang 21: 8-9 Magandang Balita Biblia,
“at ganito ang sagot sa kanya ni Yahweh:
“Gumawa ka ng isang ahas na tanso. Ilagay
mo iyon sa dulo ng isang mahabang kahoy.
Sinumang natuklaw ng ahas at tumingin

doon ay hindi mamamatay.” Ganoon nga ang
ginawa ni Moises. Kaya lahat ng natuklaw ng
ahas ay tumitingin sa ahas na tanso at hindi
nga namamatay.”
Sa loob ng templo ng Dios kung saan nagdarasal ang
bayan ng Dios ay mayroon ding mga imaheng nilikok
(carved images).
1 Mga Hari 6: 23, 31-35 Magandang Balita
Biblia, “Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan,
nagpalagay siya ng dalawang kerubin,
imaheng nililok sa kahoy na olibo. Apat at
kalahating metro ang taas ng bawat isa…May

limang sulok ang pinto ng Dakong Kabanal-
banalan, at kahoy na olibo ang mga hamba

niyon. Tablang olibo rin ang dalawang
pangsara, at may ukit itong imahen ng mga
kerubin, punong palma at mga bulaklak. Ang
mga pangsara’y may kalupkop na gintong
kapit na kapit sa mga nakaukit na larawan.
Parihaba naman ang pintuan ng Dakong
Banal. Kahoy na olibo ang mga hamba ng
pintong iyon, at tablang sipres naman ang
mga pinto. Bawat pinto ay may tigalawang
panig na natitiklop. May ukit ding mga
kerubin, punong palma at mga bulaklak ang
mga pinto, at may kalupkop na gintong lapat
na lapat sa mga ukit.”
2 Cronica 3: 10, 17 Magandang Balita
Biblia, “Nagpagawa siya ng dalawang
rebultong kerubin na yari sa kahoy sa loob
ng Dakong Kabanal-banalan. Binalot din ito
ng ginto…Ang ginamit na tabing ay mga
telang hinabi sa lanang kulay asul, kulay ube,
at kulay pula, at mamahaling lino.
Pinaburdahan pa ito ng mga larawan ng
kerubin.”
Sinasabi rin ng mga tumutuligsa na ang pagluhod at
pagyukod nating mga Katoliko sa harap ng mga banal
na imahen ay malinaw daw na tanda na sinasamba
nga ng mga Katoliko ang mga imahen ng mga santo.
Ito ay idolatriya o pagsamba sa mga diyos-diyosan at
isang malaking kasalanan sa Dios na ang parusa ay

impiyerno (Deuteronomio 5:8-9, Isaias 44:17,
Pahayag 21:8).
Ang sagot po natin ay ito: maaring ang pagyuko at
pagluhod ay pagpapahiwatig ng pagsamba (worship).
Pero hindi lahat ng pagyuko at pagluhod ay pagsamba
(latria, adoration). Halimbawa, sa bansang Hapon, ang
pagyuko ay tanda ng paggalang sa mga nakatatanda at
sa mga taong nasa katungkulan. Maging sa Biblia hindi
lahat ng pagluhod ay pagsamba ng tulad sa Dios:
Daniel 4: 46 Magandang Balita Biblia,
“Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat
ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay
Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan
ito ng insenso at iba pang alay.” (akin ang
diin)
Daniel 4: 46 Ang Biblia, “Nang
magkagayo’y ang haring
Nabucodonosor ay nagpatirapa, at
sumamba kay Daniel, at nag-utos na
sila’y maghandog ng alay at ng may
masarap na amoy sa kaniya.” (akin ang
diin)
2 Mga Hari 2: 15 Magandang Balita Biblia,

“Nang makita ito ng mga propetang taga-
Jerico na nakatanaw sa di-kalayuan, sinabi

nila, “Sumasakanya ang kapangyarihan ni
Elias.” Siya’y sinalubong nila at buong
paggalang na niyukuran.” (akin ang diin)
Ang pagluhod sa harap ng imahen ay hindi labag sa
kalooban ng Dios. Si Haring Solomon man ay ginawa
ito.
1 Mga Hari 8: 6, 54 Magandang Balita
Biblia, “Pagkatapos, ipinasok ng mga pari

ang Kaban ng Tipan sa Dakong Kabanal-
banalan, at inilagay sa ilalim ng mga pakpak

ng mga kerubin…Nakaluhod si Solomon sa
harap ng altar ni Yahweh at nakataas ang
mga kamay samantalang nananalangin.
Nang matapos ang kanyang pananawagan
kay Yahweh…”